Sunday, July 10, 2011

Tsoko.Nut Batirol Review

Ang daming tao sa SM North EDSA kahapon. Naghahanap ako kung saan kami pwedeng mag-lunch. Umakyat ako sa 3rd Floor. Nakita ko yung Tsoko.Nut Batirol. Walang tao don kaya don ko na lang pinili kumain para hindi kami ma-late sa papanoorin naming movie.




Kami lang 'yung customers nila nung time na 'yun. Sa lahat yata ng food shop don sa SM. Sila lang ang hindi busy ng lunchtime. Siguro nga, dahil sa location nila. Hindi lahat ng tao ay may patience para umakyat pa sa third floor ng SM North EDSA.




Maganda sana yung place. Tahimik. Ideal siya kung me date kayo or ka-business transaction at ayaw nyo ng maingay. Nakaka-disappoint lang ng konti na hindi malinis yung tables nila. Hindi naman ganon karami 'yung table nila para ma-overlook pa nilang hindi mapunasan kasi maliit lang nga 'yung place. For a place na hindi ganon ka-busy, sana nami-maintain na nila 'yung pagiging tidy ng lugar.




Sabi nung waitress, Tsokolate ang bestseller nila. Pero hindi kami umorder non. Kumuha kami ng Spaghetti in Chunky Meat Sauce, Callos, Dinuguan with Rice, Pine-Orange Java at 'yung Rootbeer Float. Siguro mga around 10 to 15 minutes din bago dumating ang order.




'Yung Dinuguan with Rice ang inorder ko for myself. 118 pesos siya. Tama lang ang timpla nung Dinuguan. Hindi siya matabang. Hindi rin naman siya sobrang maasim. Hindi sila nagkakalayo ng lasa ng Dinuguan ng Goldilocks. 'Yun nga lang, ang daming taba! In fairness, malambot naman 'yung laman nung pork. Hindi effort sa pagnguya kahit me braces ako. Sa halagang 118 pesos, I don't feel short changed naman. Pero kung nagtitipid at okay lang pumila para maka-order, mas mabuti pang mag-Goldilocks na lang kayo kung trip nyo ng dinuguan with rice.




'Yung Callos naman 'yung inorder ng aking bf :) 130 pesos siya. Sabi niya, familiar daw yung taste. Parang yung lasa ng Century Tuna Mechado. Hindi niya maisip tuloy kung sobrang low-class ba ng pagkakaluto na naglasang de-lata 'yung Callos ng Tsoko.Nut Batirol or sobrang sosi ang pagkakaluto ng Century Tuna Mechado at papasa siya as a dish sa isang restaurant. Kagaya nung Dinuguan nila, ang dami ring taba nung Callos. Kung gusto niyo ng healthy dish na kasing-lasa ng Callos ng Tsoko.Nut Batirol, mag-Century Tuna  Mechado na lang kayo. Siguradong walang taba at mas mura pa.




Spaghetti in Chunky Meat Sauce naman yung inorder ng mga pinsan ng bf ko. 115 pesos naman ang isang order. Hindi ko alam kung nasarapan ba talaga sila kasi parang ang lungkot-lungkot nila pareho habang kumakain, Pero naubos naman nila 'yung Spaghetti so siguro okay din naman 'yung lasa.




For the drinks, umorder ang bf ko ng 1.5 liters na Pine-Orange Java. 150 Pesos yung isang pitsel nila na mukhang flower vase :)) Tumikim lang ako ng isang sip. May nostalgic effect siya sa 'kin. Parang naaalala ko yung elementary days na umiinom ako ng juice na naka-tetra pack. Ang difference lang is me sliced orange 'yung ininom namin sa Tsoko-Nut at nakabaso siya. Hindi namin siya naubos. Ang dami pang natira so sayang lang.




Nag order din ng 'yung pinsan ng bf ko ng Rootbeer Float. Sabi niya, lasang marshmallow yun float. Hindi ko natingnan kung magkano 'yung rootbeer float siguro nasa 100 plus pesos din siya kasi umabot ng mahigit 700 yung bill naming apat.





Maganda ang interior ng Tsoko-Nut Batirol sa SM North EDSA. Pero sana ma-maintain nila na malinis siya palagi. At sana, bumili na sila ng mga bagong magazines kasi punit-punit na 'yung iba nilang copies. Sa presyo,  hindi ka naman sobrang talo kasi somehow masarap naman siya pero may kamahalan talaga. Maraming restaurants and food shops na nag-ooffer ng parehong dishes sa mas murang halaga at mas marami pa ang serving.

No comments:

Post a Comment