Friday, July 8, 2011

Blushing Cupcakes Review

Nakatapos na naman ako ng isang linggo sa trabaho. :) At syempre, "Sweldo Day" din ngayon. Habang naglalakad ako sa SM North, iniisip ko na kung anong reward 'yung ibibigay ko sa sarili ko. Inisip ko kung bibili ako ng Chilled Taho sa Soya Bar pero tinamad na akong umakyat. Nagkataon naman na nadaanan ko yung stall ng Blushing Cupcake sa me The Block. Eto yung malapit sa me escalator at sa Body Shop. Nung isang araw ko pa kasi gustong ma-experience 'yun. :)

Ang dami nilang variants. Sabi nung tindera, ang bestseller nila ay yung blueberry and yung carrot cupcake. 'Yung mini-cupcakes lang na tig-4 sa isang kahon un binili ko. Syempre, titikman ko lang muna para hindi sayang yung pera.


Cute yung kulay ng kahon nila. At yung logo nila parang familiar. Sila rin kaya ang may-ari ng Blushing Brides (HMUA at Wedding Planner)? Wala lang naisip ko lang. Hehe.


44 pesos ang isang kahon ng mini cupcake nila. 4 na yung laman. Pwede ka pumili ng flavors :) Hindi ko matandaan kung ano 'yung tamang tawag sa variants nila pero from left to right ng picture, pinili ko 'yung Chocolate, Blueberry, Carrot Cake at Buttercream.


'Yung Chocolate ang una kong tinikman. Syempre, favorite ko ang chocolate. Hindi sobrang tamis 'yung icing niya para sa akin pero dahil mini-cupcake yun at mas marami pa yung icing kesa don sa tinapay, nakaka-overwhelm pa rin 'yung tamis. Halos hindi ko na nalasahan 'yung pinaka-cake.



Next kong kinain is 'yung Blueberry. Moist siya and masarap 'yung cake. 'Yung icing, nakakasuya pa rin pero not as much nung pagkasuya ko don sa Chocolate. Mas nalasahan ko yung cake this time.



After ko kainin 'yung dalawang mini-cupcake, nasusuya na ako dahil sa icing :)) Tinitingnan ko pa lang yung icing nung Carrot Cupcake at nung Buttercream, nanlalambot na ako. Ang ending, binigay ko na lang sa mommy at daddy ko at tinanong ko kung ano'ng lasa. Masarap naman daw. :))



Okay na rin siya sa halagang 44 pesos kahit halos kasinglaki lang ng 5 pesos 'yung bilog nya. At least, somehow, pwede nang matikman agad 'yung 4 sa marami nilang cupcake flavors. Maganda din naman 'yung kahon nila at presentable tingnan. Magandang ipang-regalo. Hindi ko naman na-feel na nadaya ako sa price at sa lasa. 'Yun nga lang, parang ayoko na bumili uli dahil sa icing na mabilis makasawa. Siguro, mas maaappreciate ko kung 'yung regular sized cupcakes yung binili ko. Kasi mas malalasahan ko siguro yung cake. 33 pesos to 36 pesos 'yung price ng cupcakes na nakita ko. Pero pag mas madami kang binili, mas mababa na 'yung price.

Kung mahilig ka talaga sa matatamis, I would recommend that you try their cupcakes. Pero pag hindi ka fan ng sweets, you will probably end up giving them away dahil sa icing. :)

No comments:

Post a Comment